9th of JULY 2017

Ngayon, unti-unti ko na naiintindihan kung bakit anu-ano ang pumapasok sa isipan ko, kung bakit gulong-gulo ako sa buhay ko, kung bakit may mga problema ako na hindi ko masolusyunan.

Bakit nga ba? Ano nga ba yun?

Simple lang, dahil unti-unti na pala akong nakakabitaw sa mga pangako ko sakanya, pangako na uunahin siya palagi sa kahit anuman na bagay/gawain, na paglilingkuran siya habang ako’y may kalakasan pa.

Pano nga ba ako unti-unti nakabitaw sa mga pangako na yun?

Pinili ko lang naman yung pansarili kong kaligayahan, walang masama na bigyan mo ng kaligayahan o mapunan ang sariling pangangailangan nagiging masama lamang ito kapag sumosobra o umaabuso na. Ito ang nangyari sakin, sumobra ako… umabuso ako…

Yes! At talagang naging masaya ako! Hindi ko pedeng sisihin yung mga nakakasama ko, o yung mga taong nagbibigay sakin ng kaligayahan. Unang-una sa lahat ginusto ko yun, walang pumilit ako ang nagpumilit.

Sarili ko lang ang nagiging masaya, pero ang mga taong nakapaligid sakin naging masaya ba? Yung iba walang pakialam, yung iba nagagalit or let say concern sila.
Yung sagot niya sa ating mga araw-araw na panalangin na YES.No.Wait. yan yung mga naging sagot ko sakanya nitong mga nakaraang buwan na mali ang gamit ko…

Yes. Pupunta ako kapag wala akong pupuntahan.

No. Hindi ako pupunta kasi may lakad ako.

Wait. Check ko muna schedule, anjan naman assistant ko.
After all this things, My God, Our God never left me/us, He reminds me/us to come back to him, serve him wholeheartedly. ❤

CLPR / COY

Commission on Liturgy and Popular Religiosity (CLPR)
Commission On Youth (COY)

Naguguluhan ako! Hindi ko na tuloy talaga alam kung saan ba talaga nakapailalim yung ministry na hawak ko! 😭😭😭

Gusto ko ng clarifications! Gusto ko ng tamang sagot! Sana, this coming saturday sa Meet & Greet with our new parish priest ay mabigyan ng linaw ang lahat.

Happy 8 Years With Our Lord Mother Earth ðŸ˜˜

Hi Ma! andito ako ngayon sa puntod mo! miss na miss na kita 😞 more selfie ako ngaun dto kasama ka! Hindi kasi natin to noon nagawa eh hindi pa kasi uso nun mag selfie pero may mga pictures naman tayo dati na magkasama pero payat pa ako nun ihh gusto ko ung ngaun na chubby na ako hehe!

Ma 8 years na pero bakit ganon? ang sakit sakit parin? Bakit parang kahapon lang ang lahat? Nangungulila parin ako sa isang ina 😞 kailan ko kaya matatanggap ang lahat? Siguro kapag magkasama na tayo? Siguro nga! I love you ma!

Well, mas okay narin na kasama kna ni papa God kaysa naghihirap ka sa sakit mo! I miss you & I Love you Ma! 😘 See you very very soon 😊